Lakbay Sanaysay: WANDERING DAVAO
Bilang teenager, isa sa mga masasayang pwedeng gawin ay ang paglalakbay lalong-lalo na kapag kasama natin ang ating mga mahal sa buhay. Sa dinami-rami na ng aking mga lugar na napuntahan at nasilayan, isa sa mga ito ang lugar ng Davao City na kung saan maraming mga tourist spots ang maaari mong puntahan at maglibang kahit kailan mo gusto. Kaya naman noong buwan ng Mayo 2019, nagpunta ako sa Davao city kasama ang aking dalawang kaibigan na sina Kate Ashley Alimpoos at Lovely Juntilla. Ito ang kanilang kauna unahang pagkakataonna maka apak sa lupa ng Davao City kaya naman nilubos-lubos na nila ang mga araw ng kanilang pananatili sa lugar na ito.
Ang larawan na ito ay nakunan sa Abreeza Mall. At dahil ito ang kauna-unahang mall na aming napuntahan ng kami ay naka apak na ng davao, manghang-mangha ang aking mga kasama sa laki ng mall na ito at napaka lawak pa ng espasyo. Maganda rin ang tanawin sa tuktok ng mall na ito dahil makikita mo ang mga naglalakihang gusali sa buong syudad.
Masaya kaming nag laro sa Arcade kahit na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit madaling naubos ang aming pera. Maraming laro ang aming sinubukan kaya sobrang napagod kami sa aming mga ginawa. Ngunit kahit na kami ay napagod, sobrang saya naman ang aming nadarama sa mga oras na iyon, puro tawanan lang ang aming nagawa dahil sa mga larong aming sinubukan.
Ang ikalawa naming pinuntahan ay ang pinaka sikat na parke sa buong davao, ito ay
ang tinagawag na People's Park na kung saan matatagpuan rito ang iba't ibang statwa ng mga cartoon characters, tribu, at maging ang mga bayani ng ating bansa. Sa bawat sulok ang lugar na ito ay makikita mo ang masasayang mukha ng mga turista o mga bisita na tila ba nawawala ang lahat ng pighating nadarama dahil sa masayang tanawin na iyong nasisilayan.
Nag lakad-lakad kaming tatlo sa palibot ng People's Park at nakakita kami ng play ground na punong-puno ng mga batang natatawanan, nagtatakbuhan, at masasayang naglalaro dito. Ang sayang aming nadarama sa araw na ito ay hindi mapapantayan sapagkat lahat ng ito'y bago sa aming mga mata at sobrang saya pa ng aming paligid kaya naman kami ay nagagalak rin.
Nang dumating ang hapon, napagdesisyonan naming mag punta sa isa rin sa mga pinaka sikat na turismo ng lugar — ang Davao Crocodile Park. Napaka ganda talaga ng paligid ng lugar na ito. Matatayog na ang mga punong dati ay kay liliit pa, at ang mga kalsada dito ay sobrang linis kaya naman masarap sa mata ang tanawin dito.
Nagkaroon kami ng pagkakataon na makapag kuha ng litrato sa Crocodile Park. Tahimik ang parteng ito ng lugar kaya naman nahihiya rin kaming mag ingay. Sinubukan naming mag lakad-lakad sa mahahabang kalsada upang mas tanawin pa ang kapaligiran nito. Hindi namin mapigilang mamangha dahil napaka ganda ng tanawin dito kahit na gabi na.
Huli naming pinuntahan ang Jack's Ridge na kung saan kitang-kita ang halos buong syudad sapagkat ang lugar na ito ay matatagpuan sa pinaka tuktok. Malamig ang simoy ng hangin sa lugar na ito lalong-lalo na sa gabi. May restawran at resort din sa pasyalang ito kaya naman maraming turista kagaya naming magkakaibigan ang pumupunta rito. Kumuha kami ng maraming litrato dahil ito na ang huling gabi namin sa Davao City kaya sinulit na namin ang mga oras na iyon.
Sa mga ganitong upuan madalas na tumatambay ang mga magkakasintahan na bumibisita sa Jack's Ridge. At dahil wala kaming mga jowa, kaming tatlo nalang ang umupo sa tambayang ito. Marami kaming pinag-usapang mga bagay kagaya nalang ng kung paano sobrang nag niningning ang mga bituwin sa lugar na ito tuwing gabi. Mahabang oras kaming tumambay sa pasyalang iyon saka kami nag desisyong umuwi sa aming tinitirahan.
Naging sobrang masaya ang aking bakasyon dahil sa mga lugar na aming napuntahan. Punong-puno ang mga araw na iyon ng kasiyahang walang makakapantay kahit na kaming tatlo lang ang magkasama. At umaasa akong mauulit pa itong muli sa pgadating ng panahon. Kaya sa inyong lahat na gustong mag lakbay sa mga lugar na nais niyong puntahan, huwag kayong magdadalawang isip na mag plano at gawin ang inyong plano dahil ang lahat ng mga karanasang ito ay hindi matutumbasan ng kahit anong bagay.
- VHAN IZYLE M. RABINO








No comments:
Post a Comment